May isa akong kaibigan na nakatira sa Canada, nakilala ko lang sya nitong nakaraang taon nung huling bumisita ang kanilang grupo sa Pilipinas upang magbahagi ng Salita ng Diyos. Unang kita ko palng sa kanya napansin ko na yung pagmamahal nia sa mga bata. Lagi syang nakikipaglaro sa mga batang ito na naktira sa aming center. Sa twing makakasalubong ko sya napapansin ko na lagi syang nakatingin sakin kahit na habang nakikipaglaro sya . Sa mga ilang araw na pamamalagi nila dito sa Pilipinas unti unting nabubuo ang aming pagkakaibigan , walang kaba na sinubukan kong kausapin sya kahit alm ko na dudugo ang aking ilong at naiisip ko na baka hindi kami magkaintindihan, dahil hindi naman talaga ako magaling sa pagsasalita ng ingles. Pero dahil na din sa ibinigay na lakas ng loob at karunungan sakin ay nagawa kong makipag usap sa kanya ng maayos at masaya ako nakilala ko yung ilan sa pagkatao niya at nalaman niya din ung storya ng buhay ko, kahit na minsan nahihiya akong sabihin sa kanya ang nakaraan kong buhay. Simula niyon naging mas malapit pa kami sa isat isa , pero may lungkot na bumabagabag sa puso ko dahil alam ko na dadating ang oras na babalik sya sa sariling nyang bansa at magkakalayo kami. Mga ilang araw lang ang lumipas ng syay umalis, naalala ko kaagad sya ng sobra, nakaklungkot pero wala namn ako magagawa kundi ang tanggapin na lang at umasa ng muli syang bibisita sa Pilipinas.
Tuesday, 3 December 2013
Magkabilang Mundo
Gustong gusto ko laging pakingggan ang kanta ni Jireh Lim na "Magkabilang Mundo", dahil ang mga liriko nito ay tumatama saking puso...
Hindi lahat ng kaibigan mo totoo sayo
Masaya magkaroon ng maraming kaibigan, Pero dapat pili lang ang iyong pinagkakatiwalaan. May mga dis advantages din kasi
ang pagkakaroon ng maraming kaibigan at minsan hindi na TAMA!
Masarap sana magkaroon ng maraming kaibigan, kasi pag malungkot ka may
dadamay sayo at magpapayo. Papatawanin ka para maging masaya ka.
Pero lagi mong tatandaan hindi lahat ng kaibigan mo totoo sayo, may mga
tao kasing kinakaibigan ka kasi may kailangan sila. May mga kakaibiganin
ka para lang
gamitin ka. Lalo na yung mga taong naging kaibigan mo
dahil lang sa Twitter, Facebook etc. Hindi mo kasi alam ang tunay nilang
motibo. Maaring gagamitin ka lang nila para sa sarili nilang kapakanan.
Sasamantalahin ang kabaitan mo at aabusaduhin ito. Masaya sana kung
naaalala ka nila kahit wala silang kailangan
sayo. Kaso yung iba
kakaibiganin ka para lang magamit ka para sa sarili nilang interest kaya
minsan masasabi mo nalang "Hindi naman ako bagay, kaya wag niyo sana
akong gamitin."
Sa kabila ng kabutihang pinapakita mo nakukuha
ka pa nilang gamitin at saktan, buhay nga naman. Kaya mas okay na yung
kahit konti lang kaibigan mo atleast
alam mong totoo sila sayo, alam
mong hindi ka ginagamit at hindi ka inaabuso. Alam yung mga limitasyon
nila at alam nila pag sobra na.
Tandaan :
"Hindi mo
kailangan magkaroon ng maraming kaibigan para maging masaya, kasi kahit
konting kaibigan lang, basta totoo sila. Okay na!"
Thursday, 28 November 2013
Crush o Paghanga
Bakit sa panahon ngayon kahit hindi naging kayo kailangan mo na ring magmove- on?
Sa aking nararanasan ngayon, may isang babae akong hinahangaan,matagal ko na syang kaibigan since 2005 pa kundi ako nagkakamali. Pero lumabas lang ang aking paghanga sa kanya noong makita ko yung papupursige nya sa kanyang pag-aaral. Nakikita ko na gusto nya tlagang matuto at nagsisikap na maabot ang mga pangarap. Di na ako nagdalawang isip na kausapin sia, dahil gusto kong mapalapit sa kanya ,gamit ang komputer na nagsisilbing isa sa komonikasyon namin. Sinabi ko lahat ng aking nararamdaman ng walang pag aalinlangan. Habang tumatagal mas lalong lumalalim ang pagkakaibigan namin. Pero nd ko namamlayan na unti unti narin pla siang nagkakaroon ng paghanga sakin,ngunit nalaman ko lang to mula sa isa nyang close na kaibgan. Nang malaman ko na may paghanga na din sia sakin, at nalaman din pla nia na ganun aq sa kanya, nag umpisa nang tumama ang sakit ng pagiging mahiyain sa akin. Madami katanungan ang pumapsok sa aking isipan , mga tanung na ang hirap sagutin para sa akin. Mga ang ilang linggo ang lumipas narealize q na wag kong balewalain ung nararamdaman ng isang tao, kaya nagmatapang ulit akong makipag usap sa kanya. At pinilit kong wag nang ipahalata sa kanya na crush ko padin sia. Madami nagsasabi na torpe daw ako, ang totoo niyan ay hindi ako torpe , nag hihintay lang ako ng tamang panahon, mdami pa akong dapat unahin ,dapat gawin at maranasan bilang isang tao na wala pa sa mundo ng katotohanan.
After ilang months unti unting lumalamig ang aming pagkakaibigan, naging busy na ako sa aking buhay, at mas lalo pa syang naging busy sa kanyang pag aaral,di ko na sya masyado mabigyan ng oras. Isang araw nagbukas ako ng fb ,pagtingin q sa newsfeed q nabasa q ang salitang "In a relationship".
Di ko alam kong anu ba dapat ang maging reaksyon ko, kung dapat ba akong masaktan, malungkot o maging masaya para sa kanya, pero habang tumatagal mas lumalamang ang sakit na nararamdaman sa aking puso, pero huli na ang lahat ang hinihintay ko ay napunta sa wala. Kaya nsabi ko minsan saking sarili " total crush q lang namn sya , kaya ok lang para sakin ", but deep inside nandon pa din ang sakit, kaya para mawala ito kailangan kong mag move on.. Grabe iba na tlaga ang panahon ngaun... :(

Wednesday, 27 November 2013
Kuntento na sa'yo :)
Andito lang ako naghihintay sa’yo
Kahit na matagal ay kakayanin ko
Kahit na anong mangyari
Hinding-hindi kita iiwan
Ikaw lang talaga ang iibigin ko
Wala ng hahanapin pang iba
dahil Kuntento na sa’yo
Ako na nga ang swerteng lalaki sa mundo
Dahil nakilala ko ang isang tulad mo
Kahit na dumating pa ang mga problema
Hinding-hindi ako susuko
Ikaw lang talaga ang iibigin ko
Wala ng hahanapin pang iba
Dahil Kuntento na sa’yo
Kahit na matagal ay kakayanin ko
Kahit na anong mangyari
Hinding-hindi kita iiwan
Ikaw lang talaga ang iibigin ko
Wala ng hahanapin pang iba
dahil Kuntento na sa’yo
Ako na nga ang swerteng lalaki sa mundo
Dahil nakilala ko ang isang tulad mo
Kahit na dumating pa ang mga problema
Hinding-hindi ako susuko
Ikaw lang talaga ang iibigin ko
Wala ng hahanapin pang iba
Dahil Kuntento na sa’yo
Tuesday, 26 November 2013
Gusto ko minsan makapag isa
Minsan gusto lang natin mapag isa. Kailangan kasi natin ng oras para makapag isip-isip at makapag muni-muni. Hindi naman natin gustong takasan ang kung anu mang problema ang meron tayo. Siguro sadyang may mga pag kakataon lang na gusto nating makalimot pansamantala. Hindi ito nangangahulugan na ayaw nating harapin ang mga problema, ang tanging nais lang natin ay maliwanagan sa lahat ng pangyayari. Kailangan natin ng sariling oras para pag isipang mabuti ang lahat, nang sa ganun maiwasan natin ang mga maling desisyon na dulot ng pagiging padalos-dalos natin. Ang pag nanais na mapag isa ay hindi para tumakas sa reyalidad, ito ay para lang makahinga tayo ng maluwag at masuring mabuti ang mga gagawin nating desisyon bago pa tayo tuluyang mag sisi sa huli.
Subscribe to:
Posts (Atom)