Tuesday, 26 November 2013
Gusto ko minsan makapag isa
Minsan gusto lang natin mapag isa. Kailangan kasi natin ng oras para makapag isip-isip at makapag muni-muni. Hindi naman natin gustong takasan ang kung anu mang problema ang meron tayo. Siguro sadyang may mga pag kakataon lang na gusto nating makalimot pansamantala. Hindi ito nangangahulugan na ayaw nating harapin ang mga problema, ang tanging nais lang natin ay maliwanagan sa lahat ng pangyayari. Kailangan natin ng sariling oras para pag isipang mabuti ang lahat, nang sa ganun maiwasan natin ang mga maling desisyon na dulot ng pagiging padalos-dalos natin. Ang pag nanais na mapag isa ay hindi para tumakas sa reyalidad, ito ay para lang makahinga tayo ng maluwag at masuring mabuti ang mga gagawin nating desisyon bago pa tayo tuluyang mag sisi sa huli.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment