Thursday, 2 January 2014

Bye 2013 ,Welcome 2014

2013
-Madami aqng dapat ipagpasalamat sa Panginoon nitong 2013. Ipagpasalamat ung mga kabutihang gnawa Nia sa buhay q, sa kabla ng marming pagsubok na naransan q ay pinatatag, iningatan, at pinalakas Niya aq. Alm q na ala aqng maipagmamalaki sa hrapan Panginoon, ni hnd aq krapatdapat sa kpurihan ng Diyos. Nagpapasalamt aq dhil kahit madumi aqng basahan ay tinanggap Nia aq at nilinis mula sa aking pagi2ng mdumi sa hrapan Nia. Sa taong 2013 mdami din aqng natutunan, natuto aq kung panu harapin ang mga pagsubok na dumrating.. natuto akong bumngon at lumaban.. natuto sa mga maling nagawa.. natutong magpahalaga sa buhay  at pamilya. Natutong tumanggap sa pagkakamali , magpakumbaba at magptawad. Mas nkilala q pa ang Diyos at lalong lumalim ang pananampltaya q sa Kanya. Pagpapaslmat din sa mga bgay na na achieve q.. unang una nakatapos aq ng pag aaral , nakahanap aq ng magandang trabaho, nagkaron aq ng mga bagay na hnd q inaasahang magkakameron aq ktulad ng (motor, ipod , iphone5 ,laptop etc) pero i count it as a blessing nd upang ipagmayabang, dahil alm q na kpag aqy namatay, hnd q ito madadala sa langit, kaya ipnagpapasalamat q itong lahat sa Panginoon sa  lahat ng pagpapalang ibingay Nia sakin at pat narin saking pamilya..di ko malilimutan ang taon na ito..

2014
-Madami aqng tnatanaw na gusto kong mrating nitong 2014, alm qng madami pang pagsubok ang darating saking buhay . At naniniwala din aq na madami ding blessing an dadating sakin basta magpatuloy lang ako sa paglilingkod q sa Diyos..Im lookng forward na maipapakita na sakin ng Diyos kung cnu tlga ang nais ng Niya na mkasama q sa hirap at gnhawa.. Madaming pagbabago ang gagawin q sa buhay q, at naniniwala din aq na itong taon na ito ay magiging msagana at masaya.. Madami aqng New Year resolution, I pray na matupad q lahat ng mga un.. 2014 will be a great year I hope and believe...Only God knows what will happen for tomorrow.. To GOD be the glory! 

THANK YOU LORD

Tuesday, 3 December 2013

Magkabilang Mundo

Gustong gusto ko laging pakingggan ang kanta ni Jireh Lim na "Magkabilang Mundo", dahil ang mga liriko nito ay tumatama saking puso...


May isa akong kaibigan na nakatira sa Canada, nakilala ko lang sya nitong nakaraang taon nung huling bumisita ang kanilang grupo sa Pilipinas upang magbahagi ng Salita ng Diyos. Unang kita ko palng sa kanya napansin ko na yung pagmamahal nia sa mga bata. Lagi syang nakikipaglaro sa mga batang ito na naktira sa aming center. Sa twing makakasalubong ko sya napapansin ko na lagi syang nakatingin sakin kahit na habang nakikipaglaro sya . Sa mga ilang araw na pamamalagi nila dito sa Pilipinas unti unting nabubuo ang aming pagkakaibigan , walang kaba na sinubukan kong kausapin sya kahit alm ko na dudugo ang aking ilong at naiisip ko na baka hindi kami magkaintindihan, dahil hindi naman talaga ako magaling sa pagsasalita ng ingles. Pero dahil na din sa ibinigay na lakas ng loob at karunungan sakin ay nagawa kong makipag usap sa kanya ng maayos at masaya ako  nakilala ko yung ilan sa pagkatao niya at nalaman niya din ung storya ng buhay ko, kahit na minsan nahihiya akong sabihin sa kanya ang nakaraan kong buhay. Simula niyon naging mas malapit pa kami sa isat isa , pero may lungkot na bumabagabag sa puso ko dahil alam ko na dadating ang oras na babalik sya sa sariling nyang bansa at magkakalayo kami. Mga ilang araw lang ang lumipas ng syay umalis, naalala ko kaagad sya ng sobra, nakaklungkot pero wala namn ako magagawa kundi ang tanggapin na lang at umasa ng muli syang bibisita sa Pilipinas.

Hindi lahat ng kaibigan mo totoo sayo

Masaya magkaroon ng maraming kaibigan, Pero dapat pili lang ang iyong pinagkakatiwalaan. May mga dis advantages din kasi
ang pagkakaroon ng maraming kaibigan at minsan hindi na TAMA!

Masarap sana magkaroon ng maraming kaibigan, kasi pag malungkot ka may dadamay sayo at magpapayo. Papatawanin ka para maging masaya ka.
Pero lagi mong tatandaan hindi lahat ng kaibigan mo totoo sayo, may mga tao kasing kinakaibigan ka kasi may kailangan sila. May mga kakaibiganin ka para lang
gamitin ka. Lalo na yung mga taong naging kaibigan mo dahil lang sa Twitter, Facebook etc. Hindi mo kasi alam ang tunay nilang motibo. Maaring gagamitin ka lang nila para sa sarili nilang kapakanan. Sasamantalahin ang kabaitan mo at aabusaduhin ito. Masaya sana kung naaalala ka nila kahit wala silang kailangan
sayo. Kaso yung iba kakaibiganin ka para lang magamit ka para sa sarili nilang interest kaya minsan masasabi mo nalang "Hindi naman ako bagay, kaya wag niyo sana akong gamitin."

Sa kabila ng kabutihang pinapakita mo nakukuha ka pa nilang gamitin at saktan, buhay nga naman. Kaya mas okay na yung kahit konti lang kaibigan mo atleast
alam mong totoo sila sayo, alam mong hindi ka ginagamit at hindi ka inaabuso. Alam yung mga limitasyon nila at alam nila pag sobra na.

Tandaan :
"Hindi mo kailangan magkaroon ng maraming kaibigan para maging masaya, kasi kahit konting kaibigan lang, basta totoo sila. Okay na!"

Thursday, 28 November 2013

Crush o Paghanga

Bakit sa panahon ngayon kahit hindi naging kayo kailangan mo na ring  magmove- on?

Sa aking nararanasan ngayon, may isang babae akong hinahangaan,matagal ko na syang kaibigan since 2005 pa kundi ako nagkakamali. Pero lumabas lang ang aking paghanga sa kanya noong makita ko yung papupursige nya sa kanyang pag-aaral. Nakikita ko na gusto nya tlagang matuto at nagsisikap na maabot ang mga pangarap. Di na ako nagdalawang isip na kausapin sia, dahil gusto kong mapalapit sa kanya ,gamit ang komputer na nagsisilbing isa sa komonikasyon namin. Sinabi ko lahat ng  aking nararamdaman ng walang pag aalinlangan. Habang tumatagal mas lalong lumalalim ang pagkakaibigan namin. Pero  nd ko namamlayan na unti unti narin pla siang nagkakaroon ng paghanga sakin,ngunit nalaman ko lang to mula sa isa nyang close na kaibgan. Nang malaman ko na may paghanga na din sia sakin, at nalaman din pla nia na ganun aq sa kanya, nag umpisa nang tumama ang sakit ng pagiging mahiyain sa akin. Madami katanungan ang pumapsok sa aking isipan , mga tanung na ang hirap sagutin para sa akin. Mga ang ilang linggo ang lumipas narealize q na wag kong balewalain ung nararamdaman ng isang tao, kaya nagmatapang ulit akong makipag usap sa kanya. At pinilit kong wag nang ipahalata sa kanya na crush ko padin sia.  Madami nagsasabi na torpe daw ako, ang totoo niyan ay hindi ako torpe , nag hihintay lang ako ng tamang panahon, mdami pa akong dapat unahin ,dapat gawin at maranasan bilang isang tao na wala pa sa mundo ng katotohanan.

          After ilang months unti unting lumalamig ang aming pagkakaibigan, naging busy na ako sa aking buhay, at mas lalo pa syang naging busy sa kanyang pag aaral,di ko na sya masyado mabigyan ng oras. Isang araw nagbukas ako ng fb ,pagtingin q sa newsfeed q nabasa q ang salitang "In a relationship".
Di ko alam kong anu ba dapat ang maging reaksyon ko, kung dapat ba akong masaktan, malungkot o maging masaya para sa kanya, pero habang tumatagal mas lumalamang ang sakit na nararamdaman sa aking puso, pero huli na ang lahat ang hinihintay ko ay napunta sa wala. Kaya nsabi ko minsan saking sarili " total crush q lang namn sya , kaya ok lang para sakin ", but deep inside nandon pa din ang sakit, kaya para mawala ito kailangan kong mag move on.. Grabe iba na tlaga ang panahon ngaun...  :(

Wednesday, 27 November 2013

Kuntento na sa'yo :)


Andito lang ako naghihintay sa’yo
Kahit na matagal ay kakayanin ko

Kahit na anong mangyari
Hinding-hindi kita iiwan

Ikaw lang talaga ang iibigin ko
Wala ng hahanapin pang iba
dahil Kuntento na sa’yo

Ako na nga ang swerteng lalaki sa mundo
Dahil nakilala ko ang isang tulad mo

Kahit na dumating pa ang mga problema
Hinding-hindi ako susuko

Ikaw lang talaga ang iibigin ko
Wala ng hahanapin pang iba
Dahil Kuntento na sa’yo

Tuesday, 26 November 2013

Gusto ko minsan makapag isa

Minsan gusto lang natin mapag isa. Kailangan kasi natin ng oras para makapag isip-isip at makapag muni-muni. Hindi naman natin gustong takasan ang kung anu mang problema ang meron tayo. Siguro sadyang may mga pag kakataon lang na gusto nating makalimot pansamantala. Hindi ito nangangahulugan na ayaw nating harapin ang mga problema, ang tanging nais lang natin ay maliwanagan sa lahat ng pangyayari. Kailangan natin ng sariling oras para pag isipang mabuti ang lahat, nang sa ganun maiwasan natin ang mga maling desisyon na dulot ng pagiging padalos-dalos natin. Ang pag nanais na mapag isa ay hindi para tumakas sa reyalidad, ito ay para lang makahinga tayo ng maluwag at masuring mabuti ang mga gagawin nating desisyon bago pa tayo tuluyang mag sisi sa huli.