Hindi lahat ng kaibigan mo totoo sayo
Masaya magkaroon ng maraming kaibigan, Pero dapat pili lang ang iyong pinagkakatiwalaan. May mga dis advantages din kasi
ang pagkakaroon ng maraming kaibigan at minsan hindi na TAMA!
Masarap sana magkaroon ng maraming kaibigan, kasi pag malungkot ka may
dadamay sayo at magpapayo. Papatawanin ka para maging masaya ka.
Pero lagi mong tatandaan hindi lahat ng kaibigan mo totoo sayo, may mga
tao kasing kinakaibigan ka kasi may kailangan sila. May mga kakaibiganin
ka para lang
gamitin ka. Lalo na yung mga taong naging kaibigan mo
dahil lang sa Twitter, Facebook etc. Hindi mo kasi alam ang tunay nilang
motibo. Maaring gagamitin ka lang nila para sa sarili nilang kapakanan.
Sasamantalahin ang kabaitan mo at aabusaduhin ito. Masaya sana kung
naaalala ka nila kahit wala silang kailangan
sayo. Kaso yung iba
kakaibiganin ka para lang magamit ka para sa sarili nilang interest kaya
minsan masasabi mo nalang "Hindi naman ako bagay, kaya wag niyo sana
akong gamitin."
Sa kabila ng kabutihang pinapakita mo nakukuha
ka pa nilang gamitin at saktan, buhay nga naman. Kaya mas okay na yung
kahit konti lang kaibigan mo atleast
alam mong totoo sila sayo, alam
mong hindi ka ginagamit at hindi ka inaabuso. Alam yung mga limitasyon
nila at alam nila pag sobra na.
Tandaan :
"Hindi mo
kailangan magkaroon ng maraming kaibigan para maging masaya, kasi kahit
konting kaibigan lang, basta totoo sila. Okay na!"
No comments:
Post a Comment