May isa akong kaibigan na nakatira sa Canada, nakilala ko lang sya nitong nakaraang taon nung huling bumisita ang kanilang grupo sa Pilipinas upang magbahagi ng Salita ng Diyos. Unang kita ko palng sa kanya napansin ko na yung pagmamahal nia sa mga bata. Lagi syang nakikipaglaro sa mga batang ito na naktira sa aming center. Sa twing makakasalubong ko sya napapansin ko na lagi syang nakatingin sakin kahit na habang nakikipaglaro sya . Sa mga ilang araw na pamamalagi nila dito sa Pilipinas unti unting nabubuo ang aming pagkakaibigan , walang kaba na sinubukan kong kausapin sya kahit alm ko na dudugo ang aking ilong at naiisip ko na baka hindi kami magkaintindihan, dahil hindi naman talaga ako magaling sa pagsasalita ng ingles. Pero dahil na din sa ibinigay na lakas ng loob at karunungan sakin ay nagawa kong makipag usap sa kanya ng maayos at masaya ako nakilala ko yung ilan sa pagkatao niya at nalaman niya din ung storya ng buhay ko, kahit na minsan nahihiya akong sabihin sa kanya ang nakaraan kong buhay. Simula niyon naging mas malapit pa kami sa isat isa , pero may lungkot na bumabagabag sa puso ko dahil alam ko na dadating ang oras na babalik sya sa sariling nyang bansa at magkakalayo kami. Mga ilang araw lang ang lumipas ng syay umalis, naalala ko kaagad sya ng sobra, nakaklungkot pero wala namn ako magagawa kundi ang tanggapin na lang at umasa ng muli syang bibisita sa Pilipinas.
No comments:
Post a Comment