Thursday, 28 November 2013

Crush o Paghanga

Bakit sa panahon ngayon kahit hindi naging kayo kailangan mo na ring  magmove- on?

Sa aking nararanasan ngayon, may isang babae akong hinahangaan,matagal ko na syang kaibigan since 2005 pa kundi ako nagkakamali. Pero lumabas lang ang aking paghanga sa kanya noong makita ko yung papupursige nya sa kanyang pag-aaral. Nakikita ko na gusto nya tlagang matuto at nagsisikap na maabot ang mga pangarap. Di na ako nagdalawang isip na kausapin sia, dahil gusto kong mapalapit sa kanya ,gamit ang komputer na nagsisilbing isa sa komonikasyon namin. Sinabi ko lahat ng  aking nararamdaman ng walang pag aalinlangan. Habang tumatagal mas lalong lumalalim ang pagkakaibigan namin. Pero  nd ko namamlayan na unti unti narin pla siang nagkakaroon ng paghanga sakin,ngunit nalaman ko lang to mula sa isa nyang close na kaibgan. Nang malaman ko na may paghanga na din sia sakin, at nalaman din pla nia na ganun aq sa kanya, nag umpisa nang tumama ang sakit ng pagiging mahiyain sa akin. Madami katanungan ang pumapsok sa aking isipan , mga tanung na ang hirap sagutin para sa akin. Mga ang ilang linggo ang lumipas narealize q na wag kong balewalain ung nararamdaman ng isang tao, kaya nagmatapang ulit akong makipag usap sa kanya. At pinilit kong wag nang ipahalata sa kanya na crush ko padin sia.  Madami nagsasabi na torpe daw ako, ang totoo niyan ay hindi ako torpe , nag hihintay lang ako ng tamang panahon, mdami pa akong dapat unahin ,dapat gawin at maranasan bilang isang tao na wala pa sa mundo ng katotohanan.

          After ilang months unti unting lumalamig ang aming pagkakaibigan, naging busy na ako sa aking buhay, at mas lalo pa syang naging busy sa kanyang pag aaral,di ko na sya masyado mabigyan ng oras. Isang araw nagbukas ako ng fb ,pagtingin q sa newsfeed q nabasa q ang salitang "In a relationship".
Di ko alam kong anu ba dapat ang maging reaksyon ko, kung dapat ba akong masaktan, malungkot o maging masaya para sa kanya, pero habang tumatagal mas lumalamang ang sakit na nararamdaman sa aking puso, pero huli na ang lahat ang hinihintay ko ay napunta sa wala. Kaya nsabi ko minsan saking sarili " total crush q lang namn sya , kaya ok lang para sakin ", but deep inside nandon pa din ang sakit, kaya para mawala ito kailangan kong mag move on.. Grabe iba na tlaga ang panahon ngaun...  :(

No comments:

Post a Comment