Tuesday, 3 December 2013

Magkabilang Mundo

Gustong gusto ko laging pakingggan ang kanta ni Jireh Lim na "Magkabilang Mundo", dahil ang mga liriko nito ay tumatama saking puso...


May isa akong kaibigan na nakatira sa Canada, nakilala ko lang sya nitong nakaraang taon nung huling bumisita ang kanilang grupo sa Pilipinas upang magbahagi ng Salita ng Diyos. Unang kita ko palng sa kanya napansin ko na yung pagmamahal nia sa mga bata. Lagi syang nakikipaglaro sa mga batang ito na naktira sa aming center. Sa twing makakasalubong ko sya napapansin ko na lagi syang nakatingin sakin kahit na habang nakikipaglaro sya . Sa mga ilang araw na pamamalagi nila dito sa Pilipinas unti unting nabubuo ang aming pagkakaibigan , walang kaba na sinubukan kong kausapin sya kahit alm ko na dudugo ang aking ilong at naiisip ko na baka hindi kami magkaintindihan, dahil hindi naman talaga ako magaling sa pagsasalita ng ingles. Pero dahil na din sa ibinigay na lakas ng loob at karunungan sakin ay nagawa kong makipag usap sa kanya ng maayos at masaya ako  nakilala ko yung ilan sa pagkatao niya at nalaman niya din ung storya ng buhay ko, kahit na minsan nahihiya akong sabihin sa kanya ang nakaraan kong buhay. Simula niyon naging mas malapit pa kami sa isat isa , pero may lungkot na bumabagabag sa puso ko dahil alam ko na dadating ang oras na babalik sya sa sariling nyang bansa at magkakalayo kami. Mga ilang araw lang ang lumipas ng syay umalis, naalala ko kaagad sya ng sobra, nakaklungkot pero wala namn ako magagawa kundi ang tanggapin na lang at umasa ng muli syang bibisita sa Pilipinas.

Hindi lahat ng kaibigan mo totoo sayo

Masaya magkaroon ng maraming kaibigan, Pero dapat pili lang ang iyong pinagkakatiwalaan. May mga dis advantages din kasi
ang pagkakaroon ng maraming kaibigan at minsan hindi na TAMA!

Masarap sana magkaroon ng maraming kaibigan, kasi pag malungkot ka may dadamay sayo at magpapayo. Papatawanin ka para maging masaya ka.
Pero lagi mong tatandaan hindi lahat ng kaibigan mo totoo sayo, may mga tao kasing kinakaibigan ka kasi may kailangan sila. May mga kakaibiganin ka para lang
gamitin ka. Lalo na yung mga taong naging kaibigan mo dahil lang sa Twitter, Facebook etc. Hindi mo kasi alam ang tunay nilang motibo. Maaring gagamitin ka lang nila para sa sarili nilang kapakanan. Sasamantalahin ang kabaitan mo at aabusaduhin ito. Masaya sana kung naaalala ka nila kahit wala silang kailangan
sayo. Kaso yung iba kakaibiganin ka para lang magamit ka para sa sarili nilang interest kaya minsan masasabi mo nalang "Hindi naman ako bagay, kaya wag niyo sana akong gamitin."

Sa kabila ng kabutihang pinapakita mo nakukuha ka pa nilang gamitin at saktan, buhay nga naman. Kaya mas okay na yung kahit konti lang kaibigan mo atleast
alam mong totoo sila sayo, alam mong hindi ka ginagamit at hindi ka inaabuso. Alam yung mga limitasyon nila at alam nila pag sobra na.

Tandaan :
"Hindi mo kailangan magkaroon ng maraming kaibigan para maging masaya, kasi kahit konting kaibigan lang, basta totoo sila. Okay na!"